Saturday, February 19, 2011

Ang mga naranasan ng isang Beth (Talambuhay ni Mary Elizabeth B. Gonzales)

Elizabeth Gonzales
 Nang ipanganak ako
1yr.old ako
Ako  si Mary Elizabeth B. Gonzales.Ipinanganak noong Enero 14, 1995.Noong bata ako mataba ako,malusog ako sa gatas.Aking mga magulang ay sina Julieta B. Gonzales at Aguinaldo U. Gonzales.Kami ay kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Gabriel San Pablo City.Kahit hindi kami mayaman masaya kami.Noong ako'y magiisa taong gulangpinaghanda ako ng aking mga magulang.Madaming nagpunta sa birthday ko at sabi  ng mama ko madami daw nagbigay ng gift sa akin.Madami akong handa.Dumating daw ang lolo ko galing Batanggas.

KIds Prom
Nag aral ako ng grade 1 hanggang grade 6 sa Ambray Elementary.Kahit public ako nakapag aral ako,nagtiyaga alang-alang sa aking mga magulang.Madaming karanasan ang nangyari sa akin pamula grade 1 palamang hanggang grade 6.Kinakabahan nga akong pumasok noong grade 1 palamang kasi nga hindi pa sanay lumayo sa magulang naiyak pa nga daw ako sabi ng mama ko.Sumali ako noong grade 6 sa kids prom.Masayang mag kids prom dahil kahit bata pa lang ay may experience na agad na isayaw ng mga lalaki.Nasa tabihan ang litrato ko noong nagkids prom ako.


Madami akong naexperience sa Ambray bukod sa kids prom.Tuwing valentine  o araw ng mga puso napunta kaming lahat ng grade 6 sa 2nd floor at doon kami nagtitipon-tipon para bigyan ng tsokolate ang mga babae ng mga lalake habang kinakantahan,ang saya talaga at may nabubuong pagtitinginan.Sa wakas nakatapos din ng elementarya kahit na madaming napagdaanan lungkot man o saya.At noong Marso 2006 masayang nakapagtapos ng elementarya kahit na masakit sa aking kalooban iwan ang paaralan na humubog sa aking isipan at mga kaibigan na naging inspirasyon sa aking pag-aaral peo kailangan talaga tanggapin ang mga bagay na ito lalo pa nga na ako'y napaluha dahil sa amin awitin na ''Hawak Kamay'' sabay-sabay namin itong inawit.


Nang unang antas palamang ako napabilang ako sa F section nahihiya pa nga ako eh,tahimik at naiilang lumapit sa kanila pero nung nakailang linggo ay nagkakila-kila na kami agad at may kaibigan na din ako na kasa-kasama.Pinagbuti ko ang aking pag-aaral hanggang nakatungtong ako sa ikalawang antas at muli napabilang ako sa pangkat E.Sympre tulad din na nasa ika-unang antas ako nahihiya din dahil panibagong pakikisalamuha nanaman.Madami din akong karanasan noong ako'y nasa ikalawang antas andiyan ang mga kabarkada kong na makukulit at masayahin at lahat ng 2-E ay naging close ko at naging masaya ako.Kahit nang ang hirap ng aming pinag-aaralan nagtiis ako dahil gusto ko ulit tumaas ang aking antas.Naging 3-C ako noong third year.Panibagong pakikisalamuha nanaman.


Calaca batangas
si Christina,Charmane, at ako
Naranasan ko din sa aming simbahan ang madaming activity isa na nga dito sa Calaca Batanggas kami nagcamp 5ng araw kami doon.Madami kaming nakilalang kabataan ang saya-saya nga namin doon at madaming natutunan.Makikita natin sa larawan ung nasa gitna ang naging kaibigan namin ni Christina.

Valentines sa church
Nagkaroon din kami nang valentine party noong February 13, 2009.Ang say nga eh kasi nakadress pa kami nun.Madami ding kabataan ang umattend,masaya ang program,madaming pagkain na masasarap lalo na ang pinalaro sa amin masaya kasi ang nakapartner ko dun ay crush ko ang hirap gumalaw kasi nakadress kami,maganda din ang message na sinabi ng pastor namin na si pastor Jun Dignadice.At natapos na ito gabi na kami nakauwi.
At hindi lng un ang naranasan ko nagswmming din kami sa Monte Vista overnight kami dun.Naging close ko lalo ang aking mga kachurchurchmate ko.Ang saya-saya namin dun tapos nagkaroon muli ng camp sa city subd.Masaya at madaming activity,madaming games,madaming natutunan tungkol kay God at higit sa lahat madaming nakilalang christiano.


SCI-CAMP
Ngayon ay 4th year na ako madami akong sinalihang activity katulad ng sci camp masaya dahil nakapag bonding kami ng aking mga kaklase.Tatlong araw kami dun madami akong nakilalang estudyante,nahasa din ang aking kaisipan tungkol sa science o sa kapaligiran.



Fieldtrip
Noong Oct. naman ay sumama akong fieldtrip kahit na nakakahilo sa biyahe masaya naman at madaming lugar kaming napuntahan tulad ng ''The Lost Eden'',''Front Santiago'',''Light and Sound Museum'' at MOA.Madami kaming nakasama 10 na bus nga kami eh at gabi na rin ako nakauwi sa amin at pagod na pagod ako peo enjoy naman.




English week (High School musical)
September 2010 nagkaroon kami na tinatawag na ''cheerdance''sa MAPEH naghanap kami ng matuuro sa amin,at nakahanap kami ng kapatid ng klassmate ko nagpaturo kami sa kaniya.Marami kaming pinaghirapan at pinagdaanan,pero masaya dahil nagkakaisa kami at nangdumating na ang araw ng competion.Binigay namin ang aming makakaya hanggang makuha namin ang 3rd place.Nung una nalungkot kami kasi hindi namin naexpect na 3rd lang kami kasi full effort ang ginawa namin peo sabi na lang namin na ayos lang yun at nanghapon nga nagkaroon ng mini olympics at kalaban namin ang ibat-ibang section.May iba kaming larong panalo at may talo din naman at kahit ganon enjoy naman kami.Matapos ang cheerdance may isa pa kaming lalabanan ito ay  highschool musical.Todo effort ang ginawa muli namin.Dumating ang araw nang labanan at may costume pa kami tanging kami lang ang may ganito.Ngunit nakuha lang namin ay ikalawang parangal nagtaka kami bakit sci ang nanalo pero wala naman lami magagawa masaya na din kami dun at naging maganda ang naging resulta 90 ang nakuha namin sa card  sa English.



Swimming 4c
Nagplano ang 4conquerors na magswmming ng over night.Masaya at madami kaming baon na pakain,naging close kami sa isa't-isa nag open forum kami at nagsayawan ang ingay nga namin dahil solo lang namin ang pool kasi private ito.Naging matatag ang 4 conquerors nagsama-sama kami bilang isang grupo.




JS 4th year




    Muli nagkaroon ng Junior at Senior Prom o JS at ang susuotin ay Hawain dress.Nagkaroon ng program pagkatapos nagkainan kami at makailang oras nagsayawan kami,ang saya dahil isinayaw ako ng aking crush at kung sinu-sino pa.Hindi ko makakalimutan ang araw na yun.4:00 ng maga kami nakauwi.Kahit puyat masaya naman kasi  nakasama ko ang aking mga kaibigan.







mga bff ko.












Beth..




At hanggad ko na makatapos ng pag-aaral at itong naging mga karanasan ko ay gagamitin kong sa aking inspirasyon sa aking pag-aaral at higit sa aking maga natutunan.Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagbigay suporta sa akin at hindi ako pinabayaan ganun din sa aking mga magulang na walang sawang sumusuporta sa akin at higit sa lahat sa aking mga guro na naghubog sa aking kaalaman.Ayon lang po at maraming salamat.Muli ito ang aking talambuhay.
ako ngaung 4th year.

No comments:

Post a Comment