Monday, February 21, 2011

Ang Makabuluhang Buhay Ko

"Nung ako'y limang taong gulang"



TALAMBUHAY NI
CATHERINE P.LIRIO 



Ako si Catherine P. Lirio pangatlo sa apat na magkakapatid.Isinilang noong Agosto 10,1994.Simple lamang ang aming buhay pero masaya kami.Ang aking ina ay si Nancy Planilla Lirio na isinilang noong Disyembre 24,1971 sa Villa Escudero at ang aking ama naman ay si Felix Banagale Lirio na isinilang noong Enero 31,1969 sa Bungoy,Dolores Quezon.Ang panganay kong kapatid ay si Camille Lirio na isinilang noong Marso 25,1988 dalawampu't dalawang taong gulang na sinundan ni Clarisza Lirio na isinilang noong Nobyembre 13,1989 dalawampu't isang taong gulang na sinundan ko at ang aking bunsong kapatid na si Ced Carlo Lirio na isinilang noong Enero 12,1999  labing dalawang taong gulang.Ang aking ina ay nagtatrabaho sa Villa Escudero bilang isang waitess at ang aking ama naman ay nagbebenta ng mga rambutan at nagtatanim ng mga gulay sa bahay namin sa Bungoy,Dolores,Quezon na aming binebenta.Ang aking ina ay nag-aral ng elementarya sa Villa Escudero at nag-aral ng hayskul sa Laguna College.Hindi na nakapag aral sa kolehiyo ang aking ina dahil nag asawa na siya sa edad na labing walo.Ang aking aman naman ay nag-aral ng elementarya sa Dolores,Central,School ngunit hindi nakatapos dahil ayon sa kwento ng aking lolo ay tamad mag-aral ang aking ama.Masipag lamang siya sa pagtulong sa aking lolo sa pagtatanim ng mga rambutan upang ibenta.Mahilig din daw manghuli ng gagamba ang aking tatay at humingi ng singko sa aking lolo.Ulilang lubos na ang aking ama samantalang patay na ang ama ng aking ina at tanging ang kanyang ina na lamang ang nabubuhay na kasama namen ngayon sa aming bahay sa kasalukuyan sa Bungoy,Dolores,Quezon.Ikinasal noon ang aking ina at ama sa edad na dalawampu't isa ang aking ama at labinwalo naman ang aking ina.



    "Nung ako'y anim na taong gulang"
    Noong nag-isang taon na ako sobrang saya daw ng aking mga magulang.Noong bata daw ako palagi lang akong nasa ilalim ng lamesa.Makulit daw ako nung bata at bibo.Pumasok ako ng kinder sa Bulakin Kinder School.Dahil meron palaging trabaho ang aking ina at madami namang ginagawa ang aking ama ang aking tiyahin ang palageng naghahatid sa akin sa pagpasok ko sa paaralan.Kasabay kong pumapasok ang aking pinsan.Noong nasa kinder pa lang ako ay tanda ko paborito ako ng aming guro.Tuwing umaga ay tinuturuan nya din kaming sumayaw at mag-ehersisyo.Noong nutrition month ay may ginawa kaming kasiyahan kung saan ang mga lalaki ay may nakasabit na gulay sa kanilang sumbrero at mga prutas naman na nakalagay sa isang basket sa mga babae.Masaya at makulay ang aking pagpasok sa kinder garten.Bata pa lang ako noon tuwing bakasyon ay kinukuha ako ng aking tiyahing si Olive Alcantara.Tuwing may liga tumutulong ako sa aking pinsan sa pagtitinda ng mag fishball,kikiam at palamig sa tabihan ng kanilang bahay.Tuwang-tuwa daw sa akin ang aking tiyuhin dahil bibong-bibo ako noong ako'y bata pa.Mahilig daw akong magsayaw sa tapat ng bahay nila.Marami daw akong mga video dati na ako'y sumasayaw.Mahilig din daw akong humarap noon sa salamin dala-dala ang isang mikropono at ako ay umiiyak.Ginagaya ko daw ang mga artistang napapanood ko sa telebisyon.Natatandaan ko din noong ako'y bata pa na nagliligawan pa lamang ang aking pinsang si Melanie at Marvin Credo ay ako ang nagkakasal sa kanila.At noong nanliligaw pa lang din si kuya Rudy kay ate Matet ay palagi kong sinasabi kay kuya Rudy na bawal bumisita sa bahay kapag walang dalang pasalubong sa akin.



    "Ako kasama ang aking mga pinsan" 




    Noong nasa elementarya na ako ay nilalakad lang namin ng aking mga pinsan ang aming paaralan dahil malapit lang naman ito sa aming tahanan.Naaalala ko noon na ang aking guro sa grade1 ay mahilig mangurot kapag hindi bilog na bilog at lampas lampas sa guhit ang mga letra.Naging kaibigan ko dati sina Kate, Kimchie, Maricris, Michelle, Sheryle,Julie Ann at Jensen.Kaming magkakaibigan ay mahilig maglaro ng chinese garter sa likod ng aming silid.Nakisali pa nga dati sa aming paglalaro ang aming gurong si Mrs.Estrellano.Tuwing Sabado ay pumupunta pa kame sa bahy ng isa sa aming kaklase upang maglaro ng chinese garter.Muntik pa ako noong mapilayan sa paglalaro ko.Noon kapag Recognition Day ay mahilig akong sumayaw sa aming paaralan.Meron din akong kakalase na palagi kong kaaway.Hindi kame magkasundo sa lahat ng bagay kase palagi nya akong pinapaiyak.Mahilig siyang mang-asar kaya palagi kaming
    tinutukso ng aming mga kakalase dati.Mayabang siya noon sa klase kaya mainit ang dugo ko sa kanya.Nung ako'y sampung taong gulang ay namimyesta kami sa bahay na aking tiyuhin sa Bulakin,Tiaong.Nakatayo ako noon sa shed ng biglang may dumaan na bisikleta na nawalan ng preno at nabangga ako kaya tumalsik ako sa kanal kaya sinugod agad ako sa ospital.Mabuti na lamang at puro gasgas lang ang inabot ko.Malapit na ang Graduation Day lahat kaming magkakaibigan ay malugkot  kase magkakalayo na kami.Panibagong buhay ang aming tatahakin,panibagong mga kaibigan pero masaya na din ang aming pagtatapos.Nagbabakasyon ako noon sa aking tiyahin sa Dagatan Blvd.Dito ko din nakilala ag bestfriend kong si Kristel Maica Alcantara.At noong swimming ang mga taga baranggay 1V-C doon ko unang nakilala ang isang lalaki na naging mahalaga sa aking buhay ngayon.Naging close kami dahil mabait siya sa akin.

    "Nung ako ay first year kasama sina Carla at Bhing" 

    Unang  araw ng klase sa higschool.I-B ang aking seksyon.Unang araw ng klase late agad ako naligaw kase ako noon sa aming paaralan kase hindi ko alam kung saan ang aming silid.Wala pa naman akong kakilala noon sa school.Dito ko unang nakilala ang aking mga kaibigan na sina Karla,Rubilyn at Bhing iIah.Palagi kami noong magkakasama kaya masaya.Dito din ako unang nagkacrush sa aking kaklase.Magpapasko noon ng pumanaw ang aking paboritong lolo.Noong nagkasakit na siya ay dinala siya sa Maynila upang doon magpagamot pero dahil sa malala at madami na daw sakit ang aking lolo kaya nagpauwi na lamang  siya sa bahay namin sa Bungoy pero nung mga panahong iyon nandito pa ako sa San Pablo dahil dito ako nag-aaral.Disyembre 16,2007 ng pumanaw na ang aking lolo.Nagtext lamang noon ang aking ate at sinabing patay na nga daw ang aking lolo.Nung una hindi ko matanggap dahil mahal na mahal ko siya.Paborito ko siyang lolo dahil mabait siya sa aming lahat na mga apo niya.Kapag may kasalanan kami ay dinidisiplina niya kami.Mapagbigay siya.Naaalala ko noon tuwing pasko lahat ng mga apo niya ay nakapila sa kanilang bahay tapos sa isang lamesa ay nandun si santa claus na may basket na punong-puno ng mga barya.Dadakot kami dun gamit ang dalawa naming  kamay.Mapagmahal siya sa aming lahat kaya nabigla talaga ako nung nalaman kong patay na ang aking lolo Zozimo.Noong una ay hindi ako makapaniwala pero pag-uwe ko sa bahay namin ay totoo nga.Sobrang lungkot ko noon at iyak ako ng iyak pero tinanggap na din namin na wala na kinuha na siya ng panginoon samen at mabuti na din siguro yun dahil alam kong hirap na hirap na siya sa sakit niya.


    "Second year highshool(II-B)"
    Second year ako nang magkaproblema ako sa aking guro.Mainit ang dugo  niya sa akin pero hindi ko alam kung bakit ang sabi nya hindi daw kami nakikinig sa kanyang klase.Gusto niya ako noong ilipat sa mababang seksyon sa kanyang oras.Iyak ako na iyak noon dahil hindi ko alam ang aking gagawin.Hindi man kami pinalad na manalo sa Florante At Laura pero lahat naman ng aming tauhan ay nagwagi.Masaya na din kaming lahat dahil nagbunga naman lahat ng hirap namin.
    "HIGHSCHOOL MUSICAL"(katribo)































    Second year din ako ng una akong magka-boyfriend.Oktubre 23,2008 ang isa sa pinaka masayang araw sa aking buhay.Pamula nang maging kami na tuwing uwian lang kami nagkakasama.Kapag nasa paaralan na kami  ay hindi kami nagpapansin hindi mo nga aakalaing kami pala.Dahil siya nga ang aking unang boyfriend hindi ko alam ang pakiramdam ng pumasok sa isang relasyon.Masyado pa ako noong isip bata at dahil na din siguro sa tukso ng aking mga kaibigan kaya ako pumasok sa maagang pakikipag relasyon pero hindi ko naman pinagsisihang nakilala ko siya.Pamula ng maging kami ay noong una ay okey lang sa aking tiyuhin na may boyfriend na  ako.Pero pamula ng  nalaman nilang pumunta kami sa Lusacan,Tiaong upang ipakilala ako sa lolo at lola niya ay nawalan na sila ng tiwala sa akin.Naging mahigpit na sila sa akin at tuwing umaalis ako ng bahay ay pinagdududahan nila ako.Napabarkada ako at nagcucutting classes ako kaya bumaba ang aking mga marka.Napabayaan ko ang aking pag-aaral.Dahil dito inisip nila na dahil yun sa pagboboyfriend ko.Alam ko madami akong nagawang kasalanan sa kanila kaya humihingi din ako ng tawad sa lahat.
    "4-CONQUERORS"


    Sa ngayon ay nasa 4th year na ako.Bumaba ang aking seksyon at naging 4-c.Nung una ay malungkot at umiiyak ako dahil mapapalayo na ako sa aking mga kaibigan.Pero masaya naman pala sa bagong seksyon na ito.Nagkameron ako ng mga bagong kaibigan.Dito ko naranasang magkameron ng isang kuya.Pangarap ko kaseng magkameron ng isang kuya na mangangaral at gagabay sa akin.Lumaban kami ng cheerdance sa mapeh at naging 3rd place kami.Madami mang naging problema at pagod sa practice pero masaya na din kaming lahat.Naging 2nd place naman kami sa highschool musical sa english.Kahit magugulo at sobrang ingay ng aming seksyon ay proud pa rin to be conquerors ako.Madami akong natutunan.Naging masaya at makulay ang aking higschool life.
    "simply Catherine"

    No comments:

    Post a Comment