![]() |
Ako at ang kaibigan kong si Miguel |
di parin dito natatapos ang aking talento. Nang umidad ako ng walo nahubog ang aking imahinasyon sa art. Gumaling ang aking kamay sa pagguhit ng mga larawan.
Sumali ako sa contest sa school kung saan ako nag-aral ng elementarya sa Paaralan ng Guerilla. Taon-taon lagi akong nagwawagi sa Poster making contest pamula Grade One hanggang Grade Six. Marami akong natanggap na parangal dahil dito inillaban ako sa ibang school sa Distrito ng Santo Angel School ng San Pablo.
Pagkatapos ng labanan sa Santo Angel, muli akong lumaban sa Division at nasungkit ang 2nd place sa Paaralan ng Central School.
Sa pagsali ko sa mga contest lalo akong gumagaling nahuhubog ang aking talento hanggang makarating ako ng "Regional Poster Making Contest".
Taong 2006-2007, nagtapos ako ng elementarya ng Guerilla. Bitbit ang mga medalyang pinaghirapang mapanalunan sa iba't ibang paaralan. Ito ang naging dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ko ang aking pag-aaral.ayokong sayangin ang talentong ipinagkaloob ng Diyos.
Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil nandyan sila para sa akin, pero ayokong nahihirapan ang nanay ko sa pag-tatrabaho para lang makapag-aral ako ng high school. Kaya gumawa ako ng paraan para hindi na ko umasa sa aking mga magulang. Nagnegosyo ako ng kung anu-ano. Tuwing linggo nasa Nagcarlan ako at nenegosyo. Nagtitnda ako ng aking mga paninda.
Pinakamababang kita ko dito ay P300, kapag malakas naman ang negosyo kumikita ako ng P2000. Sa ganitong paraan hindi na ako hihingi ng pera sa aking nanay at ang perang dapat ibibigay nila sa akin ay iniipon nalang.
![]() |
Ako kasama ko ulit ang kaibigan ko |
Pinilit kongg pakisamahan at intindihin ang mga bago kong kaklase. Unang pasukan palang sa high school naninibago na ako. Pakiramdam ko out of place ako. Napaka tahimik ko sa loob ng klase kasi wala pa ako masyadong kakilala. Si Mrs. Edna Belen ang aming adviser ng 1st year. Napakabait ni Mam. Belen kaso sa ngayon hindi na niya ako kilala sa dami ng naging estudyante niya.
![]() |
Ako kasama ko si Rose Ann Lorenzo |
Nang nakaungtong ako ng 2nd year, panibago uling mga kaibigang kaklase ang nakilala ko at mga bagong guro si Mrs. Lingad ang adviser namin ng 2nd year kung mabait si Mam Belen ganun din si Mam Lingad. Ang naging paborito kong teacher ng Second Year ay si Mam Hitosis. Isa syang guro na kinatatakutan dati ng mga 2-C, kagalang-galang siya at responsable sa mga estudyante niya. Minsan natatakot ako doon nagpapahiya siya ng mga tinuturuan niya. Kapag may nagawang mali, pero ni minsan di niya ako napagalitan.
![]() |
Ako kasama si ulit si Rose Ann Lorenzo |
![]() |
Pinipicturan na pala ako nito |
No comments:
Post a Comment