nagkakaisangkabataanng4c
Saturday, May 21, 2011
Monday, February 21, 2011
Ang Makabuluhang Buhay Ko
![]() |
"Nung ako'y limang taong gulang" |
TALAMBUHAY NI
CATHERINE P.LIRIO
Ako si Catherine P. Lirio pangatlo sa apat na magkakapatid.Isinilang noong Agosto 10,1994.Simple lamang ang aming buhay pero masaya kami.Ang aking ina ay si Nancy Planilla Lirio na isinilang noong Disyembre 24,1971 sa Villa Escudero at ang aking ama naman ay si Felix Banagale Lirio na isinilang noong Enero 31,1969 sa Bungoy,Dolores Quezon.Ang panganay kong kapatid ay si Camille Lirio na isinilang noong Marso 25,1988 dalawampu't dalawang taong gulang na sinundan ni Clarisza Lirio na isinilang noong Nobyembre 13,1989 dalawampu't isang taong gulang na sinundan ko at ang aking bunsong kapatid na si Ced Carlo Lirio na isinilang noong Enero 12,1999 labing dalawang taong gulang.Ang aking ina ay nagtatrabaho sa Villa Escudero bilang isang waitess at ang aking ama naman ay nagbebenta ng mga rambutan at nagtatanim ng mga gulay sa bahay namin sa Bungoy,Dolores,Quezon na aming binebenta.Ang aking ina ay nag-aral ng elementarya sa Villa Escudero at nag-aral ng hayskul sa Laguna College.Hindi na nakapag aral sa kolehiyo ang aking ina dahil nag asawa na siya sa edad na labing walo.Ang aking aman naman ay nag-aral ng elementarya sa Dolores,Central,School ngunit hindi nakatapos dahil ayon sa kwento ng aking lolo ay tamad mag-aral ang aking ama.Masipag lamang siya sa pagtulong sa aking lolo sa pagtatanim ng mga rambutan upang ibenta.Mahilig din daw manghuli ng gagamba ang aking tatay at humingi ng singko sa aking lolo.Ulilang lubos na ang aking ama samantalang patay na ang ama ng aking ina at tanging ang kanyang ina na lamang ang nabubuhay na kasama namen ngayon sa aming bahay sa kasalukuyan sa Bungoy,Dolores,Quezon.Ikinasal noon ang aking ina at ama sa edad na dalawampu't isa ang aking ama at labinwalo naman ang aking ina.
![]() |
"Nung ako'y anim na taong gulang" |
![]() | |
"Ako kasama ang aking mga pinsan" |
Noong nasa elementarya na ako ay nilalakad lang namin ng aking mga pinsan ang aming paaralan dahil malapit lang naman ito sa aming tahanan.Naaalala ko noon na ang aking guro sa grade1 ay mahilig mangurot kapag hindi bilog na bilog at lampas lampas sa guhit ang mga letra.Naging kaibigan ko dati sina Kate, Kimchie, Maricris, Michelle, Sheryle,Julie Ann at Jensen.Kaming magkakaibigan ay mahilig maglaro ng chinese garter sa likod ng aming silid.Nakisali pa nga dati sa aming paglalaro ang aming gurong si Mrs.Estrellano.Tuwing Sabado ay pumupunta pa kame sa bahy ng isa sa aming kaklase upang maglaro ng chinese garter.Muntik pa ako noong mapilayan sa paglalaro ko.Noon kapag Recognition Day ay mahilig akong sumayaw sa aming paaralan.Meron din akong kakalase na palagi kong kaaway.Hindi kame magkasundo sa lahat ng bagay kase palagi nya akong pinapaiyak.Mahilig siyang mang-asar kaya palagi kaming
tinutukso ng aming mga kakalase dati.Mayabang siya noon sa klase kaya mainit ang dugo ko sa kanya.Nung ako'y sampung taong gulang ay namimyesta kami sa bahay na aking tiyuhin sa Bulakin,Tiaong.Nakatayo ako noon sa shed ng biglang may dumaan na bisikleta na nawalan ng preno at nabangga ako kaya tumalsik ako sa kanal kaya sinugod agad ako sa ospital.Mabuti na lamang at puro gasgas lang ang inabot ko.Malapit na ang Graduation Day lahat kaming magkakaibigan ay malugkot kase magkakalayo na kami.Panibagong buhay ang aming tatahakin,panibagong mga kaibigan pero masaya na din ang aming pagtatapos.Nagbabakasyon ako noon sa aking tiyahin sa Dagatan Blvd.Dito ko din nakilala ag bestfriend kong si Kristel Maica Alcantara.At noong swimming ang mga taga baranggay 1V-C doon ko unang nakilala ang isang lalaki na naging mahalaga sa aking buhay ngayon.Naging close kami dahil mabait siya sa akin.
![]() |
"Nung ako ay first year kasama sina Carla at Bhing" |
Unang araw ng klase sa higschool.I-B ang aking seksyon.Unang araw ng klase late agad ako naligaw kase ako noon sa aming paaralan kase hindi ko alam kung saan ang aming silid.Wala pa naman akong kakilala noon sa school.Dito ko unang nakilala ang aking mga kaibigan na sina Karla,Rubilyn at Bhing iIah.Palagi kami noong magkakasama kaya masaya.Dito din ako unang nagkacrush sa aking kaklase.Magpapasko noon ng pumanaw ang aking paboritong lolo.Noong nagkasakit na siya ay dinala siya sa Maynila upang doon magpagamot pero dahil sa malala at madami na daw sakit ang aking lolo kaya nagpauwi na lamang siya sa bahay namin sa Bungoy pero nung mga panahong iyon nandito pa ako sa San Pablo dahil dito ako nag-aaral.Disyembre 16,2007 ng pumanaw na ang aking lolo.Nagtext lamang noon ang aking ate at sinabing patay na nga daw ang aking lolo.Nung una hindi ko matanggap dahil mahal na mahal ko siya.Paborito ko siyang lolo dahil mabait siya sa aming lahat na mga apo niya.Kapag may kasalanan kami ay dinidisiplina niya kami.Mapagbigay siya.Naaalala ko noon tuwing pasko lahat ng mga apo niya ay nakapila sa kanilang bahay tapos sa isang lamesa ay nandun si santa claus na may basket na punong-puno ng mga barya.Dadakot kami dun gamit ang dalawa naming kamay.Mapagmahal siya sa aming lahat kaya nabigla talaga ako nung nalaman kong patay na ang aking lolo Zozimo.Noong una ay hindi ako makapaniwala pero pag-uwe ko sa bahay namin ay totoo nga.Sobrang lungkot ko noon at iyak ako ng iyak pero tinanggap na din namin na wala na kinuha na siya ng panginoon samen at mabuti na din siguro yun dahil alam kong hirap na hirap na siya sa sakit niya.
![]() |
"Second year highshool(II-B)" |
![]() | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
"HIGHSCHOOL MUSICAL"(katribo) |
Second year din ako ng una akong magka-boyfriend.Oktubre 23,2008 ang isa sa pinaka masayang araw sa aking buhay.Pamula nang maging kami na tuwing uwian lang kami nagkakasama.Kapag nasa paaralan na kami ay hindi kami nagpapansin hindi mo nga aakalaing kami pala.Dahil siya nga ang aking unang boyfriend hindi ko alam ang pakiramdam ng pumasok sa isang relasyon.Masyado pa ako noong isip bata at dahil na din siguro sa tukso ng aking mga kaibigan kaya ako pumasok sa maagang pakikipag relasyon pero hindi ko naman pinagsisihang nakilala ko siya.Pamula ng maging kami ay noong una ay okey lang sa aking tiyuhin na may boyfriend na ako.Pero pamula ng nalaman nilang pumunta kami sa Lusacan,Tiaong upang ipakilala ako sa lolo at lola niya ay nawalan na sila ng tiwala sa akin.Naging mahigpit na sila sa akin at tuwing umaalis ako ng bahay ay pinagdududahan nila ako.Napabarkada ako at nagcucutting classes ako kaya bumaba ang aking mga marka.Napabayaan ko ang aking pag-aaral.Dahil dito inisip nila na dahil yun sa pagboboyfriend ko.Alam ko madami akong nagawang kasalanan sa kanila kaya humihingi din ako ng tawad sa lahat.
Sa ngayon ay nasa 4th year na ako.Bumaba ang aking seksyon at naging 4-c.Nung una ay malungkot at umiiyak ako dahil mapapalayo na ako sa aking mga kaibigan.Pero masaya naman pala sa bagong seksyon na ito.Nagkameron ako ng mga bagong kaibigan.Dito ko naranasang magkameron ng isang kuya.Pangarap ko kaseng magkameron ng isang kuya na mangangaral at gagabay sa akin.Lumaban kami ng cheerdance sa mapeh at naging 3rd place kami.Madami mang naging problema at pagod sa practice pero masaya na din kaming lahat.Naging 2nd place naman kami sa highschool musical sa english.Kahit magugulo at sobrang ingay ng aming seksyon ay proud pa rin to be conquerors ako.Madami akong natutunan.Naging masaya at makulay ang aking higschool life.
![]() |
"simply Catherine" |
Sunday, February 20, 2011
"The Ultimate Talented" (Talambuhay ni Jeffrey S. Rull)
![]() |
Ako at ang kaibigan kong si Miguel |
di parin dito natatapos ang aking talento. Nang umidad ako ng walo nahubog ang aking imahinasyon sa art. Gumaling ang aking kamay sa pagguhit ng mga larawan.
Sumali ako sa contest sa school kung saan ako nag-aral ng elementarya sa Paaralan ng Guerilla. Taon-taon lagi akong nagwawagi sa Poster making contest pamula Grade One hanggang Grade Six. Marami akong natanggap na parangal dahil dito inillaban ako sa ibang school sa Distrito ng Santo Angel School ng San Pablo.
Pagkatapos ng labanan sa Santo Angel, muli akong lumaban sa Division at nasungkit ang 2nd place sa Paaralan ng Central School.
Sa pagsali ko sa mga contest lalo akong gumagaling nahuhubog ang aking talento hanggang makarating ako ng "Regional Poster Making Contest".
Taong 2006-2007, nagtapos ako ng elementarya ng Guerilla. Bitbit ang mga medalyang pinaghirapang mapanalunan sa iba't ibang paaralan. Ito ang naging dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ko ang aking pag-aaral.ayokong sayangin ang talentong ipinagkaloob ng Diyos.
Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil nandyan sila para sa akin, pero ayokong nahihirapan ang nanay ko sa pag-tatrabaho para lang makapag-aral ako ng high school. Kaya gumawa ako ng paraan para hindi na ko umasa sa aking mga magulang. Nagnegosyo ako ng kung anu-ano. Tuwing linggo nasa Nagcarlan ako at nenegosyo. Nagtitnda ako ng aking mga paninda.
Pinakamababang kita ko dito ay P300, kapag malakas naman ang negosyo kumikita ako ng P2000. Sa ganitong paraan hindi na ako hihingi ng pera sa aking nanay at ang perang dapat ibibigay nila sa akin ay iniipon nalang.
![]() |
Ako kasama ko ulit ang kaibigan ko |
Pinilit kongg pakisamahan at intindihin ang mga bago kong kaklase. Unang pasukan palang sa high school naninibago na ako. Pakiramdam ko out of place ako. Napaka tahimik ko sa loob ng klase kasi wala pa ako masyadong kakilala. Si Mrs. Edna Belen ang aming adviser ng 1st year. Napakabait ni Mam. Belen kaso sa ngayon hindi na niya ako kilala sa dami ng naging estudyante niya.
![]() |
Ako kasama ko si Rose Ann Lorenzo |
Nang nakaungtong ako ng 2nd year, panibago uling mga kaibigang kaklase ang nakilala ko at mga bagong guro si Mrs. Lingad ang adviser namin ng 2nd year kung mabait si Mam Belen ganun din si Mam Lingad. Ang naging paborito kong teacher ng Second Year ay si Mam Hitosis. Isa syang guro na kinatatakutan dati ng mga 2-C, kagalang-galang siya at responsable sa mga estudyante niya. Minsan natatakot ako doon nagpapahiya siya ng mga tinuturuan niya. Kapag may nagawang mali, pero ni minsan di niya ako napagalitan.
![]() |
Ako kasama si ulit si Rose Ann Lorenzo |
![]() |
Pinipicturan na pala ako nito |
Saturday, February 19, 2011
Ang mga naranasan ng isang Beth (Talambuhay ni Mary Elizabeth B. Gonzales)
![]() |
Elizabeth Gonzales |
![]() |
Nang ipanganak ako |
![]() |
1yr.old ako |
![]() |
KIds Prom |
Madami akong naexperience sa Ambray bukod sa kids prom.Tuwing valentine o araw ng mga puso napunta kaming lahat ng grade 6 sa 2nd floor at doon kami nagtitipon-tipon para bigyan ng tsokolate ang mga babae ng mga lalake habang kinakantahan,ang saya talaga at may nabubuong pagtitinginan.Sa wakas nakatapos din ng elementarya kahit na madaming napagdaanan lungkot man o saya.At noong Marso 2006 masayang nakapagtapos ng elementarya kahit na masakit sa aking kalooban iwan ang paaralan na humubog sa aking isipan at mga kaibigan na naging inspirasyon sa aking pag-aaral peo kailangan talaga tanggapin ang mga bagay na ito lalo pa nga na ako'y napaluha dahil sa amin awitin na ''Hawak Kamay'' sabay-sabay namin itong inawit.
Nang unang antas palamang ako napabilang ako sa F section nahihiya pa nga ako eh,tahimik at naiilang lumapit sa kanila pero nung nakailang linggo ay nagkakila-kila na kami agad at may kaibigan na din ako na kasa-kasama.Pinagbuti ko ang aking pag-aaral hanggang nakatungtong ako sa ikalawang antas at muli napabilang ako sa pangkat E.Sympre tulad din na nasa ika-unang antas ako nahihiya din dahil panibagong pakikisalamuha nanaman.Madami din akong karanasan noong ako'y nasa ikalawang antas andiyan ang mga kabarkada kong na makukulit at masayahin at lahat ng 2-E ay naging close ko at naging masaya ako.Kahit nang ang hirap ng aming pinag-aaralan nagtiis ako dahil gusto ko ulit tumaas ang aking antas.Naging 3-C ako noong third year.Panibagong pakikisalamuha nanaman.
![]() |
Calaca batangas si Christina,Charmane, at ako |
![]() |
Valentines sa church |
At hindi lng un ang naranasan ko nagswmming din kami sa Monte Vista overnight kami dun.Naging close ko lalo ang aking mga kachurchurchmate ko.Ang saya-saya namin dun tapos nagkaroon muli ng camp sa city subd.Masaya at madaming activity,madaming games,madaming natutunan tungkol kay God at higit sa lahat madaming nakilalang christiano.
![]() |
SCI-CAMP |
![]() |
Fieldtrip |
Noong Oct. naman ay sumama akong fieldtrip kahit na nakakahilo sa biyahe masaya naman at madaming lugar kaming napuntahan tulad ng ''The Lost Eden'',''Front Santiago'',''Light and Sound Museum'' at MOA.Madami kaming nakasama 10 na bus nga kami eh at gabi na rin ako nakauwi sa amin at pagod na pagod ako peo enjoy naman.
![]() |
English week (High School musical) |
![]() |
Swimming 4c |
![]() |
JS 4th year |
Muli nagkaroon ng Junior at Senior Prom o JS at ang susuotin ay Hawain dress.Nagkaroon ng program pagkatapos nagkainan kami at makailang oras nagsayawan kami,ang saya dahil isinayaw ako ng aking crush at kung sinu-sino pa.Hindi ko makakalimutan ang araw na yun.4:00 ng maga kami nakauwi.Kahit puyat masaya naman kasi nakasama ko ang aking mga kaibigan.
![]() |
mga bff ko. |
![]() |
Beth.. |
At hanggad ko na makatapos ng pag-aaral at itong naging mga karanasan ko ay gagamitin kong sa aking inspirasyon sa aking pag-aaral at higit sa aking maga natutunan.Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagbigay suporta sa akin at hindi ako pinabayaan ganun din sa aking mga magulang na walang sawang sumusuporta sa akin at higit sa lahat sa aking mga guro na naghubog sa aking kaalaman.Ayon lang po at maraming salamat.Muli ito ang aking talambuhay.
![]() |
ako ngaung 4th year. |
Subscribe to:
Posts (Atom)